December 1st, 2008

Ang smiley sa langit, writer's block, nawawalang usapan at ang kinatatakutan

Ngumingiti ang langit ngayon sa akin
Habang akap ako ng hanging mahamog

At isang alaala ang biglang nagbalik.
---------------------

I've lost it. I can't bring myself to wax poetic.

Basta ang alam ko, mamimiss ko ang mga usapang buwan at meteor shower.
---------------------

Eh yung ayokong magChristmas break.
Eh yung ineentertain ko ang thought na maglayas sa Pasko.
Get away from them all. All the bickering. All the fights. All the conflicts.


Masama na sa masamang anak, pero hindi ako naniniwalang magiging kumpleto ang pamilya sa pasko. At sa totoo lang, hindi ko na hinihiling yun. In fact, hangga't maari, AYOKO YUN MANGYARI.


Masama na nga ba akong anak?
Eh yung nasanay akong nagtatrabahong mag-isa.
Eh yung nasanay akong hiwalay silang dalawa.
Eh yung mas gugustuhin ko na lang itulog ang Pasko.
O uminom na lang ng uminom ng alkohol para lagpak sa araw ng Pasko.

Happy birthday Jesus.
Pero hindi ako happy.
Hindi naman talaga ako dapat maging happy kung hindi Ikaw.


Eh yung ayokong magChristmas break.
Eh yung mas gusto kong tutukan ang acads.
Eh yung mas gusto kong magkulong na lang sa kwarto.
Balikan ang mga kalat ng nakaraan.
Itapon ang mga hindi na kailangan.

Eh yung talagang gusto ko silang iwasan lahat.

Kung pwede lang mawala mula December 17 tapos pagbalik ko January 3 na.

Currently watching: Brothers & Sisters
Currently feeling: scared much.
Posted by armorhues at 09:37 PM | care to segue?
« Newer | »